Hindi ko maisip kung saan ka nagmula.
Batis kang nag-ipon ng bulang iglap ding nawala.
Gulat at gilaplap kung minsan ang takado kong diwa.
Saan ka nanggaling? Saan ka nagkuta?
Puwede ko kayang makubkob ang lihim mong lungga?
Anino kang sa karimla’y naglalaho
Ayaw mo bang maaninag ko ang iyong itinatago?
O, tulad ka rin ng bulang dumapo at lumayo
Sa talon at batis ng aking pagsuyo?
Ay! Huwag kang lilipad sa ibang kandungan,
Upang sa pagkampay ay wala kang agam;
Dahil ang pakpak mo’y may linsad pang tadyang
Baka sa susunod hakbang ay sumablay
Hindi makabuwelta at ako’y madalaw.
wow kaw ba nagsulat nito? gusto ko yung ganitong style ng pagsulat. galing!