Aug.1 na, gig namin na mamaya.. hehe, pero bago ang lahat, kwento muna ko mula pag gising ko..
Kaninang umaga siguro mga 6:00am, aw nagising agad ako medyo sumama tiyan ko, eh nagdadalawang isip pa ko kung ilalabas ko na yung dahilan ng pag sakit ng tiyan ko o itutulog ko muna, siguro humiga muna ko ng mga 3min. ng biglang OMG di ko pala kayang pigilan baka sumabog pa sa shorts ko gaya ng pagsabog ng mt. bulusan kahapon ng 10:00am.. hehe, kaya yun takbo agad ako sa banyo at naghari ako doon..
pagtapos ko dun siyempre naghugas ako ng kamay, tapos uminom ng kape.. tapos nag send to all ako ng gudmorning..
sa text.. Tapos balik tulog ulet ako..
10:00am na nung nagising na ulet ako.. Pinatay ko yung aircon tapos bumaba ako at nakita kong nanunuod lola ko nun Yakitate Japan! yun yung anime na pag kinain mo yung tinapay na ginawa ng baker mapupunta ka sa outerspace, kagaya na lang ng cooking master boy..lol Ayun pagkatapos nun yung Akazukin Chacha (ewan ko kung tama spelling) tapos yun pinapanod ko habang umiinom ulet ako ng kape.. Tapos nun tinext ko na nanay ko na pumunta sa bahay ng lola ko para ipagluto ng tanghalian ang 2 matanda.. Kasi nga wala nang katulong ( yun yung pinalayas ng lola ko dahil sa tong its) hehe..
Hapon: uwi na ko nay, aayusin ko pa blog ko..
Nanay: Ok..
Ayun naglakad lang ako pauwi sa bahay namin, medyo malapit lang naman, pati eto lang yung oras na iniisip ko si Dylan ( host nun peepshow) na magkasama kami.. Araw araw na ginawa ng Diyos tuwing naglalakad ako pauwi ko lang nakakasama si Dylan.. Onga pala kaya ko siya iniisip kasi crush ko siya.. wahaha..
Nasa bahay na ko mga 2hrs na ang nakakalipas, nanuod muna ko TV saglet lang.. tapos na ang boy&kris, gamekanaba? na yung palabas.. tapos nun punta na ko sa harap ng PC, open ng YM tapos check friendster.. tapos eto na nagblog na ko.. yung title ko na gig gig gig, parang wala lang.. haha, kasi gig namin mamaya.. yun lang bukas ulet kwento ko naman yung mangyayari sa Gig namin.. ![]()
pucha! hahaha would it be nice ang kanta habang nagcocomment ako! hahaha ayos!
anyways, salamat sa pag comment ng mahaba sa aking blog. haha natutuwa akong basahin ang comment mo na sabi mo nga ay “almost blog entry” na. hehehehe
TALAGA? GIG nyo ngayon? nakow bakit di mo man lang sinabi para nakapunta kami ng mga tropa ko. hehe. san ba gig nyo? oh well. malamang mababasa ko naman yun dito bukas.
wahehe maganda nga si dylan! yikiiiiiiii! dati nagpunta kaming NU nung mga tropa ko tapos nasa labas kami ng booth. eh si dylan ang dj tapos pupunta ang MOYG sa NU nun, akala ni Dylan kami yung MOYG haha! nakakatawa talaga yun. tinatawag nya kami habang on air sabi pa nya Moyg is here. ganun. nakakatuwa sya nun. naka dreads pa sya noon. sayang mas astig sana sya nung nakadreads pa sya hehe.
nakow! nagiging blog entry na rin to. sige yun na lang muna haha.